BAYBAYIN - sariling ating pangsulat. Awit mula kay Francis Tanseco.

 Isang awiting aking sinulat upang ipaalaala sa ating lahat kung sino tayo. Para sa ating lahat. Pinagawan ko ito ng musika noong 2021. Sinulat ko ito upang ipaawit sana kay Binibining Nora Aunor.

Baybayin Lyrics: Francis Tanseco Music: Marizen Yaneza - Soriano Vocal: Marizen Yaneza - Soriano Line 1 Ako ay isang Maharlikan. Subalit banyaga sa saring lupang sinilangan. Bakit kamo? Sapagkat hindi ko wari ang tunay na kasaysayan ng lahi ko. Line 2 Ako ay nagmula sa lupang Lemuria. Subalit nakalimutan na ito ng lahi ko. Bakit kamo? Sapagkat ipinalimut sakin ng mananakop ang tunay na panitikan ng mahal kong Baybayin.

BAYBAYIN - Francis Tanseco and Marizen Yaneza Soriano.

Refrain  Sino ako?  Sa pag-ikot ng mundo. Datapwat natatanaw ko ang marikit kong bayan. Bakit tila, hindi ko makita ang tunay na kulturang aking pinagmulan. Chorus Baybayin, ang panulat kong Baybayin. Ang mga "Anito" na sugo ng Panginoong Diyos ngayoy sumisigaw. Nagsusumamo sa ating paglimot. Bakit nilimot natin ang mga tunay na nakasanayang Esperetwal. Ang respeto sa kalikasan, pagmamahal sa kapwa tao. Ang mga dasal ng pasasalamat sa Poong Maykapal. Bridge. Noong unang panahon, Noong Baybayin pa ang sulat at wika natin. Mga dayuhan ay dumating, Dala-dala'y isang aklat na banal. Subalit, anu ang naging kapalit nito? Pagtalikod sa ating mga dangal? Paglisan sa ating mga Esperetwal na kaalaman at dasal? Paglimot sa ating kasaysayan na mahal? Sino ka nga ba? Sino ba ako? Sino ba tayo?  Repeat Refrain, then Chorus then Fade. FADE Baybayin 3 to 6x FADE Bakit kaya ang ating mga Babaylan ay naglaho? Kasabay ng paglimot ng ating Baybayin. Buhay pa ba ang ating Baybayin? Alam mo ba ang Baybayin? Ating muling buhayin ang Baybayin. Baybayin. Ito ang kaluluwa ng kultura natin. All rights reserved. Copyright 2025





















Comments

Popular posts from this blog

Cocoy Laurel's three paintings of Nora Aunor?

Cocoy Laurel painting article found today c/o Isidra Reyes.

NORA AUNOR - Cocoy Laurel's "Mona Lisa"?