ANG USAPIN NG PAGKA-SANTO. THE CASE FOR SAINTHOOD FOR NORA AUNOR.
ANG USAPIN NG PAGKA-SANTO. THE CASE FOR SAINTHOOD FOR NORA AUNOR. The Case for Sainthood of Nora Aunor. Walang Santo ang walang nakaraan. Ang mahalaga ay ang mga kabutihang ipinakita nito sa kanyang paglalakbay sa mundong baliw. This is my case for Nora Aunor's Sainthood. ANG USAPIN NG PAGKA-SANTO. Sa dambana ng pinilakang tabing. Ika'y imaheng hindi kayang basagin. Mula sa lupa ng mga perlas ng silanganan. Boses mo'y himig na sadyang may kabanalan. Hindi kailangan ng mahimalang likha Sapat na ang sulyap ng iyong mga mata. Sa bawat patak ng luhang paitaas, Ay dalangin ng bayang naghahanap ng lakas. Sinasabi nilang ang mga santo ay walang bahid, Ngunit ang iyong kabanalan ay nasa puso ng bawat nakapaligid. Sa pagiging mabuting tao, sa bawat sugat at pagkakamali, Doon mas nagningning ang biyayang hindi mawawari. Ang sining mo'y sakramento ng aming pambansang pagdurusa. Ang buhay mo'y nobena ng bawat luha ng mga dukha. Mga kabutihan mo sa totoong buhay di lamang sa p...