Nora - Paalam na!

Paalam na sa aking muse ng aking mga pinta, obra, lyriko at musika.


Isa ka sa mga naging admirasyon ko sa aking buhay.

Ang musika mo ay naging background music ko sa trabaho ko sa ospital sa London, Englatera. Naging kasama ko sa mga napaka habang  kalsada ng America tuwing ako ay magmamaneho na laging mag-isa patungo sa bagong destinasyon bilang travel nurse. Nawawala ang pakiramdam ko na mag-isa ako sa paglalakbay dahil kasama ko ay musika at ang mga musika mo.

Tema din ang mga musika mo sa mga oras, mga panahong ginuguhit ko ang aking mga pinta na ikaw mismo o ang larawan mo ang pinipinta. Ang mga pintang ito ay ngayon nasa Englatera, sa America, at sa Pilipinas din. In fact, Imelda Marcos has one of my painting of you.

Isang napakagandang ala-ala ko sa aking kapatid na si Ate Arlene ay kasama ka dahil andun kami bilang manunuod sa kauna-unahan mong konsyerto sa Araneta coliseum during your first major solo concert nung May 18, 1991 few days before your 38th birthday. 

Sa tuwing Metro Manila Film Festival na kalahok ang iyong pelikula ay pinagdarasal ko ang iyong tagumpay. Kung kabado ka bago tawagin ang nominasyon mo ay mas lalo naman ako kabado sayo. Tuwing mananalo ka o matalo man ay lagi kong sambit "salamat sa Diyos" dahil kalahok ka at ang iyong pelikula at mayroon ako mapapanuod.

Tuwing pasko ay kasama ko ang mga ala-ala mo dahil lagi kang kasama sa Metro Manila Film Festival kaya walang pasko na di kita naalala na para bang pamilya kita.

Ilang beses ako napuyat kahihintay sa "Best Actress" category at dasal na ikaw ang manalo  sa bawat film awards night dahil lagi ito natatapos pasado na ang alas-dose. Way past my beauty sleep ika nga. Kaya seguro ako nahilig sa night shift sa trabaho ko bilang nurse dahil sa pagpupuyat upang una ako sa mga milyon-milyon mong tagahanga na makaalam kong ikaw ay hinirang na "Best Actress".

Tuwing ikaw ang larawan sa cover ng mga komiks,  song hits, libro at magasin at lalo na sa mga school notebook ay dali-dali ko itong binibili. Kinukolekta at katapos basahin at pagmasdan ang maganda mong mukha ay itatago ng maingat upang makita ko muli ito sa mga susunod na panahon.

At kung mayroon kang doll named Maria Leonora Theresa ay mayroon din akong stuff toy that I called "Ma-Nora" at ito ay bininyagan ko sa Cambridge, United Kingdom at kagaya mo na nawala sayo ang doll mo ay nawala din sakin ang toy ko. 

Gustuhin ko man dumalaw at sabihin ang mga salita ko dito in person  kaso ako'y nasa ibang ibayo.  Sana lamang ay may mag volunteer na basahin ito sa harap ng iyong burol. Ito ay panalangin ko.

Francis Tanseco and Nora Aunor



Una kitang nakita ng malapitan nung 1991 sa entablado ng Rajah Sulayman sa Fort Santiago during the stage adaptation ng "Minsa'y isang gamu-gamu" at alam ba nila na isa itong material na ginamit ng Philippines Senate at that time upang mapatalsik ang mga base militar ng mga Kano?

Pagkatapos ng napaka-ganda mong pagganap ay lumapit ako sa iyo upang ihandog ang cassette tape ng mga orihinal na mga awiting gawa ko at nang kaibigan kong si Marites Anino. Alay namin sayo ang mga awiting iyon at pangarap sana namin na ma-record mo ang mga original songs na sadyang ginawa namin  para lang sayo. Isa sa mga awit doon sa cassette tape ay ang sinulat kong "Awit ng Buhay ko" na plinano kong gawing musikal and is still a work in progress.

Napaka raming magandang ala-ala na mula sayo, dulot mo, handog mo sa aming mga humahanga ngunit ngayoy  namaalam ka na.

Dasal ko na ang iyong kaluluwa ay pumasalangit at kasama na ng ating Dakilang  May Likha. Na sana'y gabayan ka ng ating Panginoong Hesus patungo sa kalangitan and while in there please remind God to smile at me.

Sa muli nating  pagkikita Ate Guy, SUPERSTAR ng Buhay ko, Awit ng Buhay ko, the legend, Philippines National Artist,  Ms Nora Aunor.

Ang buhay mo ay aking isalalarawan sa isa sa mga paborito kong kasabihan na ginamit ko din na leriko sa aking musical about Imelda and it goes like this.

"to survive the dark, and face what you fear - after that - ONLY LOVE REMAINS". Yes, at the end of our lives only love remains.

Paalam Binibing Nora.

Nora Aunor
May 21, 1953 - April 16, 2025

Comments

Popular posts from this blog

Cocoy Laurel's three paintings of Nora Aunor?

Nora Aunor in "Manghuhula" to start shooting, says Mari Cusi.

Cocoy Laurel painting article found today c/o Isidra Reyes.