NORA AUNOR AS A PAINTING MUSE - News 5 Digital
NORA AUNOR AS A PAINTING MUSE
Ibinahagi ng Pinoy artist at "Noranian" na si Francis Tanseco ang kanyang paintings tampok ang yumaong #Superstar na si #NoraAunor.
Dekada '90 aniya nang mabuo ang konsepto ng series na tinawag niyang "Filipinism: La Aunor Woman," at natapos noong 2004 gamit ang oil in canvass technique.
Ayon kay Tanseco, na isa ring registered nurse na naka-base ngayon sa Amerika, inspirasyon niya sa kanyang 12 na obra ang mga pelikula ng film icon tulad ng "The Flor Contemplacion Story," "Bulaklak sa City Jail," at "Bilangin ang Bituin sa Langit"— na tumatalakay sa ilang isyung panlipunan sa bansa.
Bumida na rin sa exhibits sa iba't ibang lugar sa London ang kanyang mga obra. Ginamit naman ng Royal Academy of Dramatic Arts #RADA sa London ang painting na "Harvest" bilang backdraft para sa filming project ng mga estudyante nito.
Kwento ni Tanseco, soft copy na lang ang mayroon siya ng mga ipinagmamalaki niyang obra.
"I don't own any of it anymore, kasi nandoon na 'yan sa mga collector," saad niya sa panayam ng #News5Digital. #News5 | via Juno Buena
Here is the facebook link of the post above.
Comments
Post a Comment